Hmmm...nagbabalik na naman ako sa pag-gawa ng walang kwentang blog habang nakikinig ng bagong DL ko na anime song from Amagami SS - Kimi no mama de by azusa...pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako gumagawa ng blog ngayon...gusto ko lang i-share ang araw ko ngayon na masasabi kong unexpected (same lang sa naunang blog na ginawa ko last week)...Umpisahan naten kaninang madaling araw....tama!! Meron akong bagong anime - Asatte no Houkou or Living for the Day After Tomorrow...Grabe nag-magdamagang DL na naman ako sa shop since mas mabilis dun...Nakauwi ako ng 6:30am...Anyways, napanood ko na rin ang 2nd to the last episode ng Special A which is definitely exciting kaninang 7:30am...Ayun after manood ng Special A, natulog ako for about 8 hours at nagising ako exactly 3pm...Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, napapunta ako sa SM Megamall dahil na rin sa dami ng tao sa bahay which is nakakailang sa part koh...Sakto naman na may nag-text saken na nag-aaya mag-megamall din...Itago na lang naten sya sa name na drummer boy...Eto ang nilalaman ng text nya saken...
Drummer Boy: Poy san ka megamall tayo, meron akong chicks tig-isa tayo??
Chicks?? Napakagaling naman ng batang toh dahil makikipag-date sya dalawa pa ang kasama...Ahehehe...Syempre ako naman dahil talagang pupunta ako ng megamall ay nagreply ako...
Poy: Sige...Wait nyu lang ako, pasakay pa lang ako ng jeep...
Kapag sinabi kong wait..asahan nyo na aabutin ako ng 1 hour dahil sa pesteng byahe at trapik sa daan...Hindi nga ako nagkamali...Inabot ako ng sangkatutak na trapik at ayon...Madilim na ng nakarating ako sa megamall...Hmmm...Mejo ok lang kahit gabi na since may balak naman talaga ako na magpagabi...Tinawagan ko si drummer boy...
Poy: San na kayo?? Nasa shangrila na ako...
Drummer Boy: Puntahan mo kame sa Greenwich malapit sa dating skating rink...(Voices from background)
Tama...Yung voices from background na yun eh pamilyar...Hmmm...I smell something huh...Alam nyu kung anu ang na-smell koh?? Smell ng batang yagit na nagbebenta ng sampaguita habang papalakad ako papuntang megamall...Anak ng tokwa...Aanhin ko naman ang sampaguita?? Amf...
Anyways, pagdating ko sa place....Tama nga ang hinala ko...kilala ko ang kasama ni drummer boy...Tago na lang naten sila sa alias na Blooming Girl at Conservative Girl...
Poy: Wui kamusta na kayo?? Grabe ahhh...ibang klase ka talaga pogi!! Magde-date ka dalawang dilag pa amf...dinaig mo pa ang kamandag koh eh...Kayo girls?? kamusta ang pinakamamahal kong unibersidad??
Blooming Girl: Parang hindi ka galing dun last week ahh...ahahaha!!
Conservative Girl: Ok lang naman...wala kameng pasok ngayon...
Hmmm...si conservative girl talaga...noon inaya ko sya sa isang date hindi sya pumayag...tapos si drummer boy lang pala ang makaka-pagpasama sa kanya...grabe hindi pwede toh!!
Drummer Boy: Tara order na tayo...
Poy: Talaga libre mo?? Thanks pare kaibigan talaga kita...wala akong dala ngayon ang dala kong card eh yung sa Timezone!! Bwahahaha!!
Omorder kame sa Greenwich...malamang dun ang meeting place eh...ahahaha...tinanong ko si Drummer boy bakit kasama nya ang dalawang dilag na toh...hmmm...wala lang daw...nagkita lang daw sila ng hindi sinasadya kaya sumama at nag-hang out na daw sila...gagawin pa nila akong tanga...asa naman na mukhang tinamaan si drummer boy kay blooming girl...
Poy: Ahhh alam ko na...dahil siguro nung nagpost ng pic si BG sa fb noon at nakita mo na ni-like mo ang post nya kaya siguro inaya mo syang lumabas ngayon...huli kang bata ka tinamaan ka noh...
DB: (silence...)
Boom!! No wonder tatamaan ang kaibigan kong toh dahil talagang ang laki ng pinagbago ni BG mula nung nag-aaral pa ako...Si CG naman mejo gumanda din...Kung hindi nyu nalalaman...nanligaw ako kay CG last summer pero mas pinili nyang maging friends na lang kame...buti na lang hindi nagbago ang pakikitungo nya saken...
After namen kumain, pumunta kame sa shangrila at nagka-ayaang kumanta...hmmm...maririnig ko na ang mga boses nila...pero mali ako...kame lang pala ang kakanta amf!! ahahaha ok lang at least libre toh!!
Wala namang special na nangyari sa kantahan...pero umuwi kameng masaya dahil at least nagkaroon kame ng special time para magkasama ngayon...
Pero eto ang masama...akala ko nakaligtas ako sa bayarin...amf akala ko libre na lahat ni DB pero hindi...napilitan na rin akong magbigay kay DB kawawa naman sya lahat ang gumastos sa group date na toh kasama na rin ang token ko kanina...ahahaha!!
Ang ending - hinihiling ni DB na maging sikreto ngayon ang lahat ng nangyari...pero asa naman!! ahahaha!!
Lakas mo talaga kaibigan!! Boto ako sa love story nyu ni BG!! Dahil sa inyo, Isang Greenwich Pizza na masarap!! ^_^
Kulang pa tong sinulat ko dito dahil mejo nalimutan ko na ang mga detalye...Pero antabayanan nyo ang susunod na kabanata...^_^